Sunog sa QC: Lola todas, 3 nasugatan
Mer Layson (Pang-masa) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 65-anyos na lola habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos hindi agad nakalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Angelita Unite, nakatira sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo sa lungsod.Habang nasugatan naman sina Fr. Jie Die, 63; Manny Vilien, 48; at John Regalado, 4.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-6:00 ng gabi nang magsimula umano ang sunog sa ikatlong palapag na bahay ng isang Crisanta Padilla. Nabatid na naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay at dikit-dikit pa na kung saan ay 180 pamilya ang nawalan ng bahay.

Umakyat sa ikalimang alarma at dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog, pansamantalang nananatili sa covered court ng barangay ang mga biktima.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with