Bukod dito ay naka­pagtala na rin ng Phivolcs sa nakalipas na 24 oras ng 787 na pagyanig kung saan isa lang dito ang naramdaman na umabot sa intensity 1.
Magma umangat na sa crater ng bulkan
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa posibleng malakas na pagsabog ng bulkang Taal ay pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang libu-libong residente na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan na manatili sa mga evacuation center.

Ito ang ipinayo ng Phivolcs matapos silang maglabas ng bulletin kahapon ng alas-8:00 ng umaga matapos makapagtala sa loob ng 24 oras ng “steady steam emission” at “infrequent week explosions” na umaabot sa 500 hanggang 1,000 taas ng pagbuga ng abo.

Bukod dito ay naka­pagtala na rin ng Phivolcs sa nakalipas na 24 oras ng 787 na pagyanig kung saan isa lang dito ang naramdaman na umabot sa intensity 1.

Ang patuloy umanong aktibidad ng bulkan ay nagpapakita lamang na patuloy na umaangat ang magma patungo sa crater ng bulkan kapag nangyari ito ay magaganap ang pagsabog at magiging mabilis ang progression at mga aktibidad dahil bukas na ang bunganga ng bulkan at mabilis na makakasampa ang  magma.

Nagbabala si Phivolcs volcano monitoring division chief Mariton Bornas na mayroong mga minor lava flows na bumababa sa bibig ng bulkan at ma­lakas na pagbuga ng gas na lubhang mapanganib sa mga residente roon.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with