Sa salaysay ng isang saksi, alas-12:50 ng tang­hali ay sakay ang dalawang biktima ng isang puting Toyota Fortuner nang bumaba ang mga ito para kumain sa Celo Eatery.
STAR/File
Ex-vice mayor, barangay chairman sa Bulacan, itinumba
Gemma Garcia, Omar Padilla (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang barangay chairman na dating vice mayor sa bayan ng Pandi at isang barangay chairman matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki kahapon ng tanghali sa Brgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Ang dalawang biktima na namatay noon din ay kinilalang sina da­ting Pandi, Bulacan Vice Mayor Oscar Marquez, 54, ng Brgy. Manatal at Mauro Capistrano, 56, chairman ng Brgy. Bagbaguin, Pandi, Bulacan.

Sa salaysay ng isang saksi, alas-12:50 ng tang­hali ay sakay ang dalawang biktima ng isang puting Toyota Fortuner (NBU-7644) nang bumaba ang mga ito para kumain sa Celo Eatery.

Makalipas ang halos isang oras ay may duma­ting na dalawang lalaki sakay ng isang kulay itim na Honda Click motorcycle na biglang pumasok sa nasabing eatery ang isang suspek at pinagbabaril si Capistrano sa ulo na agad niyang ikinamatay.

Nagtatakbo naman si Marquez,subalit hinabol siya ng dalawang suspek at nang maabutan ay pinagbabaril din ito hanggang sa mamamatay.

Nang masigurado ng dalawang suspek na napatay na ang dalawang pakay ay mabilis na tumakas ang mga ito.

OSCAR MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with