Palayan City inayudahan ang mga biktima ng bulkan sa Batangas
(Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agad na nagpadala ng tulong si Nueva Ecija, Palayan City Mayor Rianne Cuevas ng tone-toneladang bigas, canned goods at iba pang pagkain para sa mga apektado ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.

Isinakay sa dalawang 16 wheeler truck ang iba’t ibang relief goods ang ipinamahagi ng mga tauhan ni Mayor Cuevas sa mga evacuation center sa Bauan, Batangas.

Bukod sa pinagsama-samang tulong ng mga residente ng Palayan City ay nagbigay din ng ayuda ang pamilya ng alkalde.

Sinabi pa ni Mayor Cuevas, dalawang araw pa lang nang sumabog ang Taal ay nasa Batangas na ang kanyang mga tauhan upang magsagawa ng relief operation.

Pinasalamatan ni Mayor Cuevas ang mga empleyado ng Palayan City dahil halos walang tulog para ma-repack ang mga relief good kaya mabilis na naipadala sa mga kababayang Batangueño.

Nagpasalamat naman si Batangas Gov. Hermilando Mandanas sa kaloob na tulong ng Palayan City.

RIANNE CUEVAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with