Calida maghahain ng quo warranto vs ABS-CBN
Ayon pa kay Panelo na ang aksiyon ng OSG ay walang kinalaman sa naunang pahayag ni Pa­ngulong Duterte na dapat nang ibenta ang ABS-CBN dahil walang plano ang Chief Executive na i-renew ang prangkisa nito.
Calida maghahain ng quo warranto vs ABS-CBN
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang maghain si Solicitor General Jose Calida ng “quo warranto” petition sa Korte Suprema na kumukwestiyon  sa “validity” ng prangkisa ng ABS-CBN.

Agad naman nagpahayag si Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging hakba­ngin ni Calida na bawiin ang prangkisa ng nasabing television network.

Sinabi ni Panelo, na ang plano ay sariling aksiyon ni Calida na kila­lang supporter ng pamilya Marcos, dahil tungkulin niya ito bilang pinuno ng nasabing tanggapan.

Idinagdag pa ni Pa­nelo na nabasa na niya ang report,subalit kaila­ngan pa niyang kumpirmahin si Calida kung ang planong paghahain ng petisyon para bawiin ang prangkisa ng TV network ay binabalangkas pa o nagawa na.

Ayon pa kay Panelo na ang aksiyon ng OSG ay walang kinalaman sa naunang pahayag ni Pa­ngulong Duterte na dapat nang ibenta ang ABS-CBN dahil walang plano ang Chief Executive na i-renew ang prangkisa nito.

“You must remember that the job of the SolGen is to file the appropriate petitions when he sees or feels that there’s a transgression of franchises or any law for that matter,” sabi pa ni Panelo.

Magugunitang mainit ang Pangulo sa ABS-CBN dahil hindi ipinalabas ang kanyang political ads noong panahon ng kampanya kahit na nakapagbayad na siya at sa halip ay mas pinaboran ang political ads ng kanyang kritiko na si dating Senador Antonio Trillanes na isang labag sa batas dahil ginamit ang mga menor de edad sa ads.

JOSE CALIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with