^

Police Metro

17-anyos na obrero dedo sa ginigibang pader

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 17-anyos na cons­truction worker nang mabagsakan ng ginigibang pader sa loob ng isang residential house, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Sherwin Apable, residente ng Acacia Magsaysay St., Tondo, Maynila dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 4:50 ng hapon nitong Biyernes nang maganap ang insidente sa loob ng isang unit sa Ritzville Residence, Muelle de Binondo St., Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, niyaya ng pinsang si Jide Ordas ang biktima na tumulong sa trabaho ng ama sa ginagawang unit sa Ritzville Residence.

Nanghiram pa umano ng malaking martilyo ang biktima sa ama para gibain ang partition side ng kuwarto nang biglang bumagsak ang isang malaking slab na tumama sa kanyang ulo.

Bumagsak ang biktima na duguan, lumobo ang kaliwang bahagi ng pisngi at nagkaroon ng black eye habang may umaagos na dugo sa ilong at ulo.

Isinugod pa siya sa Justice Jose Abad Santos General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with