^

Police Metro

Trike sinuwag ng pickup: 7 todas, 3 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Trike sinuwag ng pickup: 7 todas, 3 sugatan
Dead-on-the-spot sina Dionesio Dahili, 27, driver ng Honda TMX 155 tricycle; at mga sakay nitong sina Imelda Dahili, 50, Jenalyn Daga-Ang Dahili, 28, OFW; Bernadeth Dahili, 25; Sabrena Dahili, 3-anyos; Stephany Dahili, 5 at Ysia Banque, 1-anyos; mga residente ng Purok 4, Brgy. Patin-ay, Prosperidad ng lalawigang ito.
File

MANILA, Philippines — Patay ang pitong katao kabilang ang tatlong paslit habang tatlo ang malubhang sugatan nang mauwi sa malagim na trahedya ang isa sanang masayang outing ng isang magkakaanak matapos suwagin ng rumaragasang pickup ang sinasakyan nilang tricycle naganap sa highway ng Purok 6 Taglimaw, Brgy. Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur nitong Sabado ng umaga.

Dead-on-the-spot sina Dionesio Dahili, 27, driver ng Honda TMX 155 tricycle; at mga sakay nitong sina Imelda Dahili, 50,  Jenalyn Daga-Ang Dahili, 28, OFW; Bernadeth Dahili, 25; Sabrena Dahili, 3-anyos; Stephany Dahili, 5 at Ysia Banque, 1-anyos; mga residente ng Purok 4, Brgy. Patin-ay, Prosperidad ng lalawigang ito.

Ang mga sugatan naman ay sina Ma. Dionebelle Dahili, 7, estudyante at Diosebelle Dahili, 5; nasugatan din ang sakay naman ng pickup na kinilalang si Alfredo Minoza.

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng umaga, sakay ang siyam na magkakaanak sa tricycle na minamaneho ni Dionesio, at binabagtas ang naturang highway patungo sana sa dagat upang mag-outing nang makabanggaan nito ang isang humahagibis na Nissan Navara pickup (conduction sticker F2 S3470) na minamaneho naman ni Mark Junrell Flores, 29 taong gulang na patungo naman sa Davao City.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng pickup na kinain ang kabilang lane dahilan upang salpukin nito ang kasalubong na tricycle ng mga biktima na kinaladkad pa hanggang sa mapunta sa palayan sa naturang lugar.

Nahaharap na nga­yon ang driver ng pickup sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at 3 counts ng frustrated homicide.

vuukle comment

AKSIDENTE

TRAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with