19 babae sinagip sa 2 prostitution den
Danilo Garcia (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga otoridad ang 19 babae nang salakayin ang dalawang prostitution den sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ang operasyon ay ikinasa nang makatanggap ang Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng impormasyon na dinarayo ang dalawang sex den ng mga parokyano na nais kumuha ng serbis­yo ng mga babae.

Dakong alas-10:50 ng gabi nang unang salakayin ng mga pulis ang isang ordinaryong bahay sa may kanto ng Bautista at Casino Street sa may Brgy. Palanan at pagpasok ng mga pulis ay tumambad ang isang reception area na may mga mahahabang sofa na siyang lugar kung saan naghihintay ang mga parokyano at dito ay 12 babae ang nailigtas.

Habang nadakip ng mga pulis ang hinihinalang operator ng lugar na si Serges Borlas, 50, makaraang tanggapin ang P3,000 marked money sa isang pulis na nagpanggap na kostumer.

Ang pangalawang sinalakay, alas-11:30 ng gabi ay isang establi­syimento sa may No. 3897 Emilia Street kanto ng Araro Street sa kapareho rin ng naunang sex den ang set-up sa loob nito at 7 babae ang nailigtas at naaresto ang mga suspek na sina Junyen Barrios, 42 at Gella Winston, 47.

Anim na hinihinalang parokyano ang nasakote ng mga pulis kabilang ang dalawang Chinese national na iginiit na dinala lamang sila ng taxi driver nilang nasakyan.

PROSTITUTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with