Mayor Belmonte pangungunahan ang Chinese New Year celebration
Angie dela Cruz (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Banawe Quezon City sa Enero 26 kasama ang Peoples Republic of China Ambassador to the Philippines His Excellency Huang Xilian bilang guest of honor sa okasyon.

Ang okasyon na host ang QC government ay dadaluhan din ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. President Henry Lim Bon Liong, QC Association of Filipino Chinese Businessmen Inc president Joseph Lim Bon Huan at QC Chinatown Development Foundation Chairman Charles Len.

Sa press launch kahapon, sinabi ni President Lliong na nakikiisa ang samahan sa pagsalubong  sa Year of the Metal Rat  sa pangunguna ni Mayor Belmonte.

Anya, ang okasyong ito ay magbubunsod ng pagsigla ng turismo at pagyaman ng kultura ng lungsod lalo na ngayong maganda ang ugnayan  ng Pilipinas at China. Noong nakaraang taon ay may 1.5 milyong turistang Tsino ang nagpunta sa Pilipinas.

Ang QC China town sa Banawe ay isa sa tourism district sa QC na kilala bilang isang world class hub para sa Chinese community.

CHINESE NEW YEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with