Ang biktima ay kinila­lang si Rio Santos, part-time janitor at cigarette vendor, tubong Nueva Ecija.
Nagligtas sa 2 nalulunod, pinulikat todas
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maituturing na baya­ni ang isang 47-anyos na cigarette vendor na nagmalasakit na isalba sa pagkalunod ang dala­wang dalagita, subali’t siya naman ang nagbuwis ng buhay nang atakehin ng pulikat at malunod sa Baseco beach sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinila­lang si Rio Santos, part-time janitor at cigarette vendor, tubong Nueva Ecija.

Bago nangyari ang insidente, ala-1:20 ng hapon nitong Huwebes  sa Baseco beach sa bahagi ng Block 1 Gasangan, Baseco, Port Area ay naliligo ang isang grupo ng mga kabataan nang lumubog sina Angelica, 14; at Shane, 12.

Humingi ng tulong ang mga kasama nina Angelica at Shane na nakatawag pansin kay Santos na agad tumakbo at sinagip ang dalawang dalagita.

“Nung sinagip niya po kami, magkabilang braso niya ang kinapitan namin pero po nung nagsabi siya na namumulikat siya ay binitawan na kami kaya yung mga ibang nandoon ang tumulong sa amin para doon na kami sa gilid…tapos siya (biktima) lumubog na hindi na siya nakita ng mga nag-dive,” wika nina Angelica at Shane.

Kalahating oras ang lumipas nang lumutang si Santos na punung-puno ng burak ang mga paa na indikasyong malalim na bahagi ang kinalubugan niya.

LUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with