^

Police Metro

Cavite nagdeklara ng State of Calamity

Joy Cantos - Pang-masa
Cavite nagdeklara ng State of Calamity
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Batangas bunga ng pag-aalboroto ng Taal volcano kung saan libu-libong mga evacuees ang nagsilikas sa kanilang mga bahay.
EC Toledo / Philstar.com

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Cavite Governor Juanito Victor Remulla na idineklara niya ang lalawigan sa state of calamity bunga ng matinding epekto sa phreatic explosion ng Taal volcano sa lalawigan ng Batangas at matugunan ang pa­ngangailangan ng nasa 15,000 evacuees galing Batangas na pansamantalang kinukupkop ng kanilang lalawigan at nasa P15 milyon ang kanilang inilaang pondo para sa pangangailangan ng mga bakwit.

Una nang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Batangas bunga ng pag-aalboroto ng Taal volcano kung saan libu-libong mga evacuees ang nagsilikas sa kanilang mga bahay.

Sinabi ni Remulla na nasa 8 barangay sa Tagaytay City ang saklaw ng 8 KM radius danger zone.

Maliban sa mga evacuation centers, maging ang mga kabahayan ng mga kamag-anak ng mga bakwit sa Cavite ay pinuntahan ng mga ito para pansamantalang makituloy.

vuukle comment

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with