Ayon kay Lacsamana, nangangalap pa ang DOH ng supply ng mask, na ipamamahagi sa mga pinakaapektado ng pag-alboroto ng bulkang Taal.
Image by jacqueline macou from Pixabay
Bra, diaper at panty gamiting face mask
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puwedeng gamitin ang diaper, bra at panty bilang alternatibo sa face mask na magsisilbing proteksiyon sa volcanic ash na ibinubuga ng bulkang Taal.

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Maria Laxamana, dahil sa kakula­ngan sa face mask, partikular ng N95 mask.

Anya, puwedeng gumamit ng basang diaper o bra basta matiyak na natatakpan ng mga ito ang ilong at bibig.

“Meron pa ibang creative ways of doing things. Isa po yung kamiseta, ilagay niyo po. Meron pong isang creative, yung bra at panty,” wika nito.

Ayon kay Lacsamana, nangangalap pa ang DOH ng supply ng mask, na ipamamahagi sa mga pinakaapektado ng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Nagkaubusan umano ng suplay ng face mask dahil sa pag-hoard ng mga mamimili nitong mga nagdaang araw.

Iginiit din ni Lacsamana na hindi naman kaila­ngang mag-mask ng mga taga-Metro Manila dahil maayos pa rin naman ang kalidad ng hangin.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with