Kaya naman ay ipagkakatiwala ng Pangulo kay DILG Secretary Eduardo Año ang otoridad para mangasiwa sa procurement process ng PNP at inaasahan niyang walang magaganap na korapsiyon sa pagbili ng mga kakailanganing equipment ng PNP.
File
PNP inalisan ni Duterte ng procurement power sa pagbili ng mga kagamitan
Rudy Andal (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kuwestiyo­nableng halaga ng biniling mga speed gun sa Davao ay tinanggalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan ang Philippine National Police na makapagsagawa ng anumang procurement process sa pagbili ng kanilang equipment.

Kaya naman ay ipagkakatiwala ng Pangulo kay DILG Secretary Eduardo Año ang otoridad para mangasiwa sa procurement process ng PNP at inaasahan niyang walang magaganap na korapsiyon sa pagbili ng mga kakailanganing equipment ng PNP.

“Eh tsaka itong pulis isa rin ‘yan. I removed the power of the PNP to procure equipment kasi ‘yung speed gun in Davao costs us about 10,000. Eh hindi ko nakuha kaagad sa command conference. Pero naman itong mga nakaalam, those who are in the know. Sabi sa akin na… Well siyempre as the briefing was going on, nobody was talking but after that they told me na it’s too --- 950 per unit is simply abominable,” wika ni Duterte.

Naisip tuloy ng Pa­ngulo na ibalik ang  Bureau of Supply na isang dating tanggapan sa panahon noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nasa ilalim ng Department of General Services.

Ang naturang hakbang ay babala na rin sa lahat ng government offices na makikitaan niya ng iregularidad sa procurement process.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with