Taal evacuees inayudahan ng Manila Water
Nagpadala ang Manila Water ng 30 water tankers para umayuda sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal sa iba’t ibang evacuation sites sa Timog Luzon.
Taal evacuees inayudahan ng Manila Water
(Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Libu-libong pamilya na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal na nasa evacuation area ang inayudahan ng Ayala group sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga ipinadalang water tankers upang mabigyan ng ‘potable waters ang mga residente sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna na ngayon ay isinailalim na sa state of calamity.

Nabatid na 30 water tankers ay inisyal na nagdala ng 248 cubic meters ng tubig sa  19 evacuation centers sa Batangas at Laguna. 

Kahapon, ang water tanks ay ikatlong ulit nang nagpa-refill sa Laguna Water kung saan halos 10,000 evacuees ang nabigyan ng libreng ‘potable water’ na kailangang-kailangan umano ng maraming pamilyang nagsilikas mula sa kanilang mga bahay.

Nitong Lunes, nagpadala ang Manila Water ng 30 water tanker trucks sa Balara headquarters sa Quezon City at naghatid ng 248 cubic meters ng  inuming tubig sa 19 evacuation centers sa Batangas at Laguna.

Sa pakikipag-koordinasyon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction at Management Office (Batangas PDRRMO), ay patuloy ang ginagawang pag-ayuda ng Manila Water sa mga nasa evacuees sa bayan ng Sto. Tomas, Tanauan City, Lipa City, Batangas City, San Pascual, San Luis at Cuenca, kabilang ang Tagaytay City at Alfonso, Cavite.

Namahagi rin ang Manila Water Foundation ng 2,000 units ng 5-gallon bottles ng  potable water sa mga evacuees na nasa Sta. Teresita at Bauan, Batangas, maging ang mga nasa munisipalidad ng Agoncillo, San Nicolas, Laurel, Taal at Talisay.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with