^

Guro isinauli ang napulot na P10 libo

Danilo Garcia (Pang-masa) - January 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi kailanman mata­tapatan o mahihigitan ng salapi ang katapatan ng isang tao.

Ito ang pinatunayan ng isang babaeng public school teacher nang kanyang isauli ang napulot niyang P10,000 cash sa nagmamay-ari na isang huwes sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela City Police, kamakalawa ng hapon.

Sa tulong ng mga kuha ng CCTV sa loob ng isang mall sa naturang lungsod, matagumpay na naisauli ni Ma. Felisa Parinas, ng Brgy. Malinta at Filipino teacher ng St. Therese of the Child Jesus Academy ang P10,000 kay Fiscal Agapito Fajardo, Valenzuela Senior Assistant City Prosecutor.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:00 kamakalawa ng hapon nang magtungo si Parinas sa Valenzuela City Police Station at iniulat ang pagkakapulot niya sa pera sa hallway ng isang mall sa may Brgy. Malinta.

Upang mahanap ang may-ari ng pera, agad na sinuri ang CCTV camera ng naturang mall at doon natukoy si Fajardo.  Agad na tinawagan ng mga pulis si Fajardo sa kaniyang opisina upang ipagbigay-alam ang pagkakarekober sa kanyang pera.

Labis ang katuwaan ni Fajardo nang maibalik sa kaniya ang pera at dahil sa pagkakaroon pa umano ng mga tapat na tao sa mundo.

Dahil dito, binigyan ng cash reward si Parinas ni Fajardo dahil sa ipinakitang kagandahang-asal at pagiging isang ‘Good Samaritan.

GURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with