Mag-asawa, 3 tauhan tiklo sa buy-bust
Himas-rehas na nga­yon ang mag-asawang sina Columbus Creselcio, alyas “Boyet”, 57 at misis nito na si Rosalie Creselcio, 55.
STAR/File

Mag-asawa, 3 tauhan tiklo sa buy-bust

Mer Layson (Pang-masa) - January 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa at tatlong galamay ng mga ito na sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga ang dinakma ng mga otoridad nang masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Himas-rehas na nga­yon ang mag-asawang sina Columbus Creselcio, alyas “Boyet”, 57 at misis nito na si Rosalie Creselcio, 55.

Gayundin ang tatlong tauhan ng mag-asawa na sina Augusto Rodriguez alyas “Ogo”, 49; Rodelio Pellazo, 46; at John Cerma Del Rosario, 21 na pawang residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang dakipin ang mga suspek sa No. 74 Saint Luke St., San Paulo Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nakuha sa mag-asawa ang walong sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P27, 200, isang cell phone na ginagamit sa drug transaction, buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek habang sila ay nakakulong sa QCPD Intergrated Jail.

ARESTADO BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with