Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos itong ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga opisyal ng AFP at ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng posibleng pagsiklab ng krisis doon.
STAR/File
AFP handa nang ilikas ang mga Pinoy sa Iran at Iraq
Joy Cantos (Pang-masa) - January 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handang handa na ang mga air at naval assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para ilikas ang nasa 1,600 mga Pinoy sa Iran at 6,000 naman sa Iraq na karamihan ay mga overseas Filipino workers (OFWs) kaugnay ng posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa Middle East.

Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos itong ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga opisyal ng AFP at ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng posibleng pagsiklab ng krisis doon.

Sa kabuuan nasa 1.2M ang mga Pinoy workers na nasa Middle East kung saan prayoridad munang ilikas ang mga Pinoy sa Iran at Iraq.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay napatay sa air strike ng US sa Baghdad si Gen. Qassem Soleimani, pinuno ng Iran elite Quds military force at isa sa pinakamakapangyarihang personalidad sa Islamic Republic kung saan nagbanta ang Iran na maghihiganti sa Estados Unidos sa pangyayari.

Inaprubahan din ng Iraqi Parliament ang re­so­lusyon na nanawagan sa kanilang pamahalaan na palayasin na ang nasa 5,000 US troops sa kanilang bansa pero nagmatigas naman si US President Donald Trump na hindi lilisan ang kanilang puwersa hanggang hindi sila binabayaran sa air base sa nasabing bansa.

Inianunsyo rin ng Iranian government na hindi na susundin ang kasunduan sa 2015 nuclear deal at aalisin na ang mga restriksyon sa termino ng 2015 nuclear deal. Tinalikdan ni Trump ang nasabing kasunduan noong 2018.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with