Ang naarestong Chinese na si Zhang Yunquan nang salakayin ng PDEA ang kanyang bahay sa Quezon City at nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng P802-M.
Miguel De Guzman
Buy-bust: Chinese timbog sa P802-M shabu
.Mer Layson (Pang-masa) - December 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang 28-anyos na Chinese sa isang drug buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sienna, Quezon City.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-NCR Regional Special Enforcement Team Leader Lorenzo Advincula Jr. ang suspek na si Zhang Yunquan, 38, alyas ‘Francis,’ na nanunuluyan sa Unit 21B, Tabayoc St., Brgy. Sienna.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maaresto ng mga otoridad ang suspek sa bahagi ng N.S. Amoranto St. at Tabayoc St., sa Brgy. Sienna ay nakuha ang nasa 2 kilo ng shabu.

Nang aarestuhin ay tumakbo ang suspek pa­balik sa kaniyang bahay at nasamsam ang nasa 118 kilo ng shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa P802 milyon mula sa kusina ng tahanan na nakasilid sa mga tea pack na may Chinese characters at ipinasok sa mga lata ng biskwit.

Imported rin umano ang mga shabu dahil ang mga lalagyan nito ay may tatak ng mga iba’t ibang bansa.

Nabatid na may isang buwan munang tiniktikan ang suspek bago isinagawa ang buy-bust operation na kung saan isang asset na bihasa sa pagsasalita ng Chinese ang nakipag-transaksiyon sa suspek kaya’t nakuha ang tiwala nito.

Batay sa record na si Yunquan ay pabalik-balik ng Pilipinas mula sa China at ang huling balik nito sa bansa batay na rin sa boar­ding pass nito mula sa isang airline company ay noong Setyembre 1.

Naisyuhan na rin ang suspek ng lehitimong dri­ver’s license mula sa Land Transportation Office (LTO) noong 2017 at narekober mula sa kanya ang isang itim na Toyota Fortuner.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with