Lola tepok sa salpok ng motor
Jorge Hallare (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 74-anyos na lola matapos salpukin ng isang humaharurot na motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng highway ng Purok-3, Brgy. Gaid sa bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Nerluila Banda Lignes, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga patawid sana sa kalsada si Lignes pero sinalpok ito ng paparating at walang plakang motorsiklo na minamaneho ni Rolando Rosales Arroyo, 24-anyos, residente ng Purok-1.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon pa ng ilang metro ang matanda.

Arestado at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

LOLA MOTOR PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with