Kinilala ang biktima na si Leni Hoylar, Grade 8 student sa Maragusan National High School at residente ng Brgy. New Katipunan ng bayang ito.
File
13-anyos niluray bago pinatay
Joy Cantos (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na dalagita ang hinihinalang niluray muna ang puri saka pinatay ng ‘di pa nakikilalang salarin sa Maragusan, Compostela Valley, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ang biktima na si Leni Hoylar, Grade 8 student sa Maragusan National High School at residente ng Brgy. New Katipunan ng bayang ito.

Ang biktima ay may malaking sugat sa ulo sanhi ng pagpukpok ng matigas na bagay at bukod dito ay duguan ang maselang bahagi ng katawan na indikasyong hinalay ito ng salarin.

Bandang alas-9:30 ng umaga kamakalawa nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa nadiskubreng bangkay ng sinalbaheng dalagita sa Brgy. New Katipunan, Maragusan.

Sa report ni Police Major Edgardo Bahan, hepe ng pulisya sa Maragusan, bandang alas-9:30 ng umaga habang nagpa-pastol ng kanyang alagang kambing ang matandang lalaking si Paulino Ynot, 68-anyos nang madiskubre ang bangkay ng biktima.

Ang bangkay ng biktima ay bahagyang natatabunan ng damo malapit sa Dole-Stanfilco Banana Plantation sa nasabing lugar.

Bago ito, nabatid na nabigong makauwi ng kanilang tahanan ang dalagita matapos itong pumasok sa eskuwelahan.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nagsagawa ng masusing imbestigasyon sa crime scene.  

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with