Pulis na nabaril ng mga holdaper, namatay na
Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - December 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binawian na ng buhay ang isang pulis Maynila na nabaril nang makaengkuwentro ang dalawang holdaper sa Sta. Cruz, Maynila  matapos ang apat na araw sumailalim sa medical treatment.

Sa ulat ni MPD-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, kamakalawa alas-3:15 ng hapon nang pumanaw na sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si  P/Corporal Edgil Bombase, nakatalaga sa MPD-Station 3  na tinamaan ng apat na bala sa tiyan na tumama sa kaniyang atay. 

Matatandaang noong Disyembre 11 nang mapatay din ang nakaengkwentro ni Bombase na si  Rodel Vicente y Antonell, 33, ng no. 1555 Antipolo St. Sta. Cruz, Maynila at ang kasamahan nitong nakatakas ay napatay din sa dragnet operation nang manlaban.

Nakatanggap ng P300,000 financial assistance mula sa local government ang pamilya ni Bombase.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with