Ang bagong gawang bahay na ipinamimigay ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas, LGU, DSWD at Foundation sa mga magsasaka na walang tirahan.
35 magsasaka sa Palayan City binigyan ng bahay
(Pang-masa) - December 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlumput limang magsasaka sa Palayan City, Nueva Ecija ang nakatanggap ng maagang pamasko nang sila ay bigyan ng bago at kongkretong bahay.

Nabatid na ang 30 sa mga bahay ay personal na kaloob ng pamilya ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas at ang iba ay ipinagawa ng Local Goverment Units (LGU), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang foundation.

Sa kasalukuyan ay mahigit sa 100 bahay pa ang kasalukuyan ginagawa at inaasahang maipapamigay sa unang quarter ng 2020.

Sinabi ni Mayor Cuevas, nais nilang ma­tulu­ngan ang mga magsasaka na hirap sa mga panahong ito dahil bagsak ang presyo ng palay sa merkado.

“Inuna po na­ming binigyan ng bahay ang mga magsasaka na wa­lang maayos na tira­han. Tuluy-tuloy po ang programang ito na ang layunin naming taga-Palayan ay mabigyan at makatulong sa mga walang maayos na tirahan sa aming lugar” sabi ni Mayor Cuevas.

Ang mga bahay na ipinamigay ay gawa sa semento, tabla at yero na may maayos na kusina, banyo at labahan.

Lubos ang pasasa­lamat naman ng mga magsasakang nabiya­yaan ng bagong bahay at sinabing ito na ang kanilang pinakamasa­yang Pasko dahil sa natanggap na regalo mula kay Mayor Cuevas.

RIANNE CUEVAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with