Ayon pa kay Sobejana, 8 terorista ang kumpirmadong nasa bansa habang 60 ang patuloy pa nilang bina-validate at walang na itong kakayahan pa na magsagawa ng pag-atake tulad ng nangyari sa 2017 Marawi siege.
The STAR/KJ Rosales, file
Marawi siege ‘di na muling mauulit
Gemma Garcia (Pang-masa) - December 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinangako ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Min­danao Command (WestMinCom) spokesperson Lieutenant General Cirilito Sobejana na hindi na muling mangyayari sa Marawi City ang pag-atake ng teroristang Maute group noong taong 2017.

Ito ay dahil sa nabawasan na ang lakas ng mga teroristang grupo na kung saan ang mga natitira pang miyembrong Maute group ay nagtatago na subalit tinutugis na rin ito ng tropa ng gobyerno.

Bukod sa nasabing grupo ay patuloy di umanong tinutugis ang iba pang mga terro­rist group tulad ng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Jemaah Islamiyah.

Aniya, kahit na wala ng martial law na matatapos ngayong Disyembre 31 ay patuloy pa rin ang pakikialam nila sa mga teroristang grupo dahil sa Executive order 70 kaya’t patuloy ang pagtugis sa mga ito

Ayon pa kay Sobejana, 8 terorista ang kumpirmadong nasa bansa habang 60 ang patuloy pa nilang bina-validate at walang na itong kakayahan pa na magsagawa ng pag-atake tulad ng nangyari sa 2017 Marawi siege.

CIRILITO SOBEJANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with