Solon naalarma sa pagdukot sa mga Chinese national
(Pang-masa) - December 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinaalarma ng isang solon ang sunud-sunod na abduction o kidnapping sa mga Chinese national sa bansa.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap. nais niyang matuldukan na ang insidente kaya hiniling nito ang imbestigasyon upang matukoy at madakip ang may kagagawan ng padukot na ang mga suspek ay pawang Chinese national din.

“Kapag nagpatuloy kasi ang ganitong pagdukot,  baka isipin ng mga dayuhan na hindi kaya ng ating mga pulis na panga­lagaan ang seguridad nila at iba pang mga bisita sa ating bayan” ani Cong. Yap.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang kuha ng CCTV footage sa ginawang pagdukot sa isang babaeng Chinese national na sapilitang isinakay sa isang van sa Makati City.

Sa impormasyon ni Cong. Yap ay kababayan din ng biktima ang nasa likod ng pagdukot at ang sinasabing dahilan ay onsehan sa sugal.

“Hindi maganda sa peace and order scenario ng ating bansa ang nagaganap na pagdukot, baka isipin ng mga dayuhan na hindi safe matungo sa Pilipinas” pahayag pa ni Cong. Yap.

Cong. Yap ang siyang Chairman ng Games and Amusement Committee ng Kongreso ay umaasa sa lalong madaling panahon ay mareresolba ang nasabing insidente.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with