Taguig fire: Paslit patay, 200 pamilya nawalan ng tahanan
Ludy Bermudo, Danilo Garcia (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang batang babae ang nasawi habang nasa 200 pamilya ang magpa-Pasko nang walang ta­hanan matapos lamunin ng nangangalit na apoy ang kanilang mga bahay at ari-arian kahapon ng umaga sa Taguig City.

Nabatid na nasawi sa insidente ang tatlong taong gulang na si Precious Clarisa Pracarey habang nasugatan naman ang siyam na taong gulang na si John Rey Vendevil.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Taguig City, dakong alas-8:26 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa isang bahay sa may No. 31 Maestrang Pinang St., Purok Pulang Araw sa Brgy. Lingid Tipas na pag-aari ng isang Norie Maglanoc at kaniyang pamilya.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog dakong alas-8:51 ng umaga at nagawang maapula ng mga bumbero dakong alas-9:39 ng umaga o higit isang oras na pakikipaglaban sa apoy.

Aabot sa 100 bahay na pawang gawa sa mga light materials ang tuluyang natupok na may halagang P350,000 base sa pagtataya ng BFP at higit sa 200 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Samantala, tatlo ang naiulat na nasugatan sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila kung saan nasa 10 bahay ang natupok, kahapon ng madaling araw.

Ang mga sugatan ay ang mag-asawang sina Romano Hilario, 51 at Erlinda Lopez, 53; at isang Marina Lopez, 79-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-12:00 pa­sado ng hatinggabi nang magsimulang sumiklab ang apoy sa Barangay 81, Zone 7, sa Tondo.

Kinukumpirma pa ang impormasyong kung sa napabayaang kandila ng isang residente na naputulan ng kuryente ang pinagmulan ng apoy.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with