Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Captain Jake Arcilla, hepe ng Women and Children Protection Section (WCPS) ng Manila Police District (MPD), nakatakdang isampa ang kasong pag­labag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law) in relation to RA 7610 (Child Abuse) laban sa suspek na kinilalang si Jorge Aquino, may-asawa, walang trabaho at residente ng No. 1901 K Interior 61, Zamora St., ng nasabing lugar.
STAR/File
14-anyos ginawang sex slave ng 62-anyos
Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natapos din ang ka­walanghiyaan ng isang 62-anyos na lolo nang arestuhin ng mga otoridad matapos ituro ng isang 14-anyos ng panghahalay sa kanya sa loob ng dalawang taon, sa Pandacan, Maynila, iniulat kahapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Captain Jake Arcilla, hepe ng Women and Children Protection Section (WCPS) ng Manila Police District (MPD), nakatakdang isampa ang kasong pag­labag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law) in relation to RA 7610 (Child Abuse) laban sa suspek na kinilalang si Jorge Aquino, may-asawa, walang trabaho at residente ng No. 1901 K Interior 61, Zamora St., ng nasabing lugar.

Kamakalawa ng hapon nang pormal na magsampa ng reklamo ang biktimang si “Nene”, kasama ang kanyang 42-anyos na ina, residente rin ng lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Shane Garduque, dinakip ang suspek dakong alas-3:00 ng hapon nitong Biyernes sa loob ng kaniyang bahay.

Ito’y dahil naaaktuhan umano ng ina ng biktima ang suspek at kanyang anak na may ginagawang kahalayan sa loob ng bahay ng suspek dakong alas-12:00 ng tanghali kamakalawa.

Sa pag-amin ng dalagita, noong taong 2017 pa nagsimula umano ang panghahalay sa kanya ng suspek, noong siya ay Grade 6 pa lang sa edad na 12-anyos.

SEX SLAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with