Publiko pinag-iingat sa online shopping
Ito ay makaraan ang “12-12 Year End Sale” na ginawa ng mga online shopping platforms nitong nakaraang Disyembre 12 na tinangkilik ng napa­karaming Pilipino na nagnanais makabili ng mga pamasko at panregalo sa murang halaga.
STAR/File
Publiko pinag-iingat sa online shopping
Danilo Garcia (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila na malaking bawas sa abala, pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa online shopping dahil sa tumataas na reklamo na kanilang natatanggap laban sa mga abusadong seller sa iba’t ibang plataporma.

Ito ay makaraan ang “12-12 Year End Sale” na ginawa ng mga online shopping platforms nitong nakaraang Disyembre 12 na tinangkilik ng napa­karaming Pilipino na nagnanais makabili ng mga pamasko at panregalo sa murang halaga.

Sa kabila nito, dagsa rin ang reklamo tulad ng walang kalidad na produktong ipinapadala, mga sira o kulang-kulang, mali ang uri ng produkto, at ang iba ay overpricing sa delivery fee.

Ayon sa DTI, higit 1,200 na ang lehitimong reklamo na natatanggap nila laban sa mga online shopping sites at 46 dito ay sa “11-11 Sale”.

Payo ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, suriing mabuti ang reputasyon ng online shopping platform na dapat ay may ‘consumer egress mechanism’ para makapagreklamo.

Dapat din aniya na tignang mabuti ng isang buyer ang ‘reviews o feedback’ ng ibang kustomer, tignan kung marami ang bumibili at maaari ring makipag-ugnayan nang diretso sa seller.

Patuloy naman umano nilang iniimbestigahan ang bawat reklamo at kung agrabyado ang konsyumer ay pinapatawan ng parusa ang seller upang maitama ang kanilang pagkakamali.

DTI ONLINE SHOPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with