^

Police Metro

PNP umalerto sa Simbang Gabi

Joy Cantos - Pang-masa
PNP umalerto sa Simbang Gabi
Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, inalerto na ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang lahat ng kapulisan sa buong bansa na ipatupad ang paghihigpit ng seguridad sa mga simbahan.
Joven Cagande/File

MANILA, Philippines — Inilatag na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ipapatupad na seguridad kaugnay ng pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi na mag-uumpisa sa Disyembre 16 ng taong ito.

Sinabi ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, inalerto na ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa  ang lahat ng kapulisan sa buong bansa na ipatupad ang paghihigpit ng seguridad sa mga simbahan.

Nabatid na magdedeploy ng mga pulis sa bisinidad ng mga simbahan upang bigyang proteksyon ang mga debotong Katoliko laban sa mga posibleng magsamantala sa katahimikan ng okasyon sa pamamagitan ng police visibility.

Inihayag ni Banac na nasa heightened alert ang puwersa ng pulisya nga­yong panahon ng kapaskuhan at ipauubaya na sa mga Commanders kung kailangan pang magtaas ng alerto.

vuukle comment

SIMBANG GABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with