^

Police Metro

Karambola ng 5 sasakyan: 6 patay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Karambola ng 5 sasakyan: 6 patay
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Naimea Kusain; Juhaiber Mamusaka,12; Juhaina Mamusaka, 9; Aipa Mamusaka, 2; Juhairi Mamusaka,1, pawang residente ng Fatima General Santos City at Atong Ontong, 19, grade 12 student ng Southern Mindanao Institute of Technology (SMIT) ng Brgy. Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat.
STAR/File

Friday the 13th tragedy

MANILA, Philippines — Anim katao kabilang ang apat na menor de edad ang nasawi sa naganap na karambola ng limang sasakyan sa roundball ng national highway Alunan Avenue, Tacurong City, Sultan Kudarat, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Naimea Kusain; Juhaiber Mamusaka,12; Juhaina Mamusaka, 9; Aipa Mamusaka, 2; Juhairi Mamusaka,1, pawang residente ng Fatima General Santos City at Atong Ontong, 19, grade 12 student ng Southern Mindanao Institute of Technology (SMIT) ng Brgy. Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat.

Ang mga nasugatan ay isinugod sa pagamutan ay kinilalang sina Nasher Mamosaka, 33; driver ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima at 10 iba pa.

Sa ulat ni Tacurong City Police Officer-in -Charge Lt. Col. Rey Egos, isang sports uti­lity vehicle, isang pickup truck, dalawang tricycle at isang motorbike  ang nagkarambola dakong alas-4:10 ng madaling araw sa kahabaan ng Alunan highway, Purok 9, Brgy. Poblacion ng lungsod na ito.

Lumalabas sa imbestigasyon, humahagibis ang isang Mitsubishi Montero SUV na minamaneho ni Omar Acob at Toyota HiLux pickup truck na minamaneho naman ni Bren Marohombsar nang salpukin nito ang isang kulay itim na Kawasaki CT 100 na minamaneho ni  Mamosaka sa nasabing highway.

Sa lakas ng pagkakabangga ay natanggalan ng bubong ang dalawang tricycle kung saan anim katao ang dead on the spot sa insidente habang ang iba pa ay sugatan namang isinugod sa ospital na kung saan ang isa dito ay idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with