^

Police Metro

2 tinodas sa lamay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng isang lalaking nakasuot ng face mask ang dalawang lalaki na nakikipaglamay sa  isang lamayan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Crisostomo Santiago, 27, ng Malvar Street, Brgy. 142; at Jasper Esliza, 17, ng Gen. Mascardo Street, Brgy. 144. Habang sugatan naman si Joshua Arcega, 27, nang tamaan rin ng bala.

Sa ulat ng pulisya bago naganap ang pamamaril, alas-11:20 ng gabi sa isang burol sa may Balagtas Street sa Brgy. 143, ng naturang lungsod ay nasa kasarapan ng pagsusugal ang mga biktima nang dumating ang nag-iisang salarin na nakasuot ng facemask at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga nasa lamesa ng sugalan.

Namatay noon dina sina Santiago at Esliza dahil sa mga tama ng bala sa ulo habang isinugod si Arcega sa Manila Central University Hospital. 

Kaswal na naglakad papatakas ang suspek bitbit ang armas na ginamit sa pamamaril.

Pinaniniwalaan ng pulisya na  si Santiago ang aktuwal na target ng salarin habang nadamay lamang sina Esliza at Arcega makaraang aminin ng ama ni Santiago na dalawang beses na itong  pinagtangkaang pasla­ngin, una ay sa pananaksak at ikalawa ay pamamaril ngunit nakaligtas sa mga ito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with