Mediamen sangkot sa droga-PDEA
Hindi lang user, protector pa...
MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director na bukod sa mga pulitiko at celebrities ay may mediamen din na kabilang sa kanilang high value target.
Ayon kay PDEA director-general Aaron Aquino, hindi basta-basta media workers at sa halip ay maituturing na malalaking pangalan sa larangan ng pamamahayag ang mga media personality na kasama sa HVT.
Anya, hindi lamang basta mga user ng droga ang nasabing mga media personalities kundi nagsisilbing protector.
Tumanggi naman ang PDEA chief na tukuyin ang nasabing mga media personalities na nasa kanilang high value target.
Una rito ay ibinulgar din ng PDEA chief sa isinagawang press briefing sa Palasyo na umaabot sa 12,000 ang kabilang sa kanilang HVT na rito ay may mga nasa local government, barangay habang mayroon ding kongresista sa naturang listahan.
- Latest