^

Police Metro

Singil sa tubig posibleng sumipa

Gemma Garcia - Pang-masa
Singil sa tubig posibleng sumipa
Kinumpirma noong Martes ni Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) Chairman Reynaldo Velasco na kinansela na ang resolusyong nagpapalawig sa kasunduan ng gobyerno sa 2 water concessionaire, na nangangahulugang hanggang 2022 na lang hahawakan ng mga ito ang pag-distribute ng tubig sa Metro Manila.
Edd Gumban/File

Sa pagputol ng concession extension...

MANILA, Philippines – Nagbabala kahapon ang Maynilad at Manila Water na maaaring sumipa ang singil nila sa tubig dahil sa pagkansela ng gobyerno sa extension ng kanilang concession agreement, na tatagal sana hanggang 2037.

Kinumpirma noong Martes ni Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) Chairman Reynaldo Velasco na kinansela na ang resolusyong nagpapalawig sa kasunduan ng gobyerno sa 2 water concessionaire, na nangangahulugang hanggang 2022 na lang hahawakan ng mga ito ang pag-distribute ng tubig sa Metro Manila.

Ayon sa mga opisyal ng Maynilad at Manila Water, maaaring tumaas nang higit 100 porsi­yento ang singil sa tubig dahil sa pagkansela sa kasunduan.

Kaya umano in-extend ng gobyerno ang serbisyo ng 2 concessionaire noon ay para mahabang panahong mahuhulugan ng mga konsumer ang kanilang ginastos sa dagdag-se­we­rage at sanitation system sa ilalim ng Clean Water Act.

“We’re still compu­ting but definitely it will go very high because the rationale of the extension was to mitigate any spikes in tariff o presyo ng tubig because kailangan mag-invest ng concessionaires nang mas malaki,” sabi ni Maynilad president and chief executive officer Ramoncito Fernandez sa pagdinig sa Kamara.

Maging ang ilang opisyal ng MWSS, na nangangasiwa sa 2 concessionaire, ay nanga­ngambang tumaas ang singil sa tubig.

Sa halip daw kasing 17 taon, 3 taon na lang ang natitira para mabawi ng mga concessionaire ang kanilang ipinuhunan sa mga proyekto.

Madadagdagan din daw sa babawiin sa mga konsumer ang P2 bilyong gagastusin ng MWSS, Maynilad, at Manila Water sa Kaliwa Dam project, bukod sa iba pang gastusin.

Magugunitang pinuna kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasunduan ng gobyerno sa 2 water concessionaire, na nilagdaan noong 1997 sa ilalim ng administrasyon ni Fidel Ramos.

Lugi umano  ang publiko at gobyerno sa kasunduan sa mga water concessionaire.

Pinuna ng pangulo ang kasunduan matapos ipag-utos ng isang arbitration court sa Singapore sa gobyerno na magbayad ng P7.4 bil­yon sa Manila Water.

Ang parehong korte rin ang nag-utos sa gob­yerno na bayaran ang Maynilad ng P3.4 bilyon.

Nag-ugat ang mga kaso laban sa gobyerno nang hindi pinayagang magtaas-singil sa tubig ang Manila Water noong 2015.

vuukle comment

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with