^

Police Metro

Lover ng dinukot na babaeng Chinese, 1 pa itinuring na ‘person of interest’

Danilo Garcia - Pang-masa
Lover ng dinukot na babaeng Chinese, 1 pa itinuring na �person of interest�
Ayon sa pulisya na tuluyang ginawang “person of interest” si Chen Tangbin, ang live-in partner ng biktimang si Zhou Mei at kasama nitong si Zhu Jianwei, makaraan na magbigay ng paiba-ibang pahayag sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone ng kaniyang kapatid ng kaniyang kinaroroonan nang maganap ang pagdukot sa may Paseo de Roxas sa Makati City noong Lunes.
STAR/File

MANILA, Philippines – Ang live-in partner ng dinukot na babaeng manager ng POGO (Phi­lippine Offshore Gaming Operator) at isang kasama nito ay itinuturing ng pulisya na mga “person of interest”.

Ayon sa pulisya na tuluyang ginawang “person of interest” si Chen Tangbin, ang live-in partner ng biktimang si Zhou Mei at kasama nitong si Zhu Jianwei, makaraan na magbigay ng paiba-ibang pahayag sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone ng kaniyang kapatid ng kaniyang kinaroroonan nang maganap ang pagdukot sa may Paseo de Roxas sa Makati City noong Lunes.

Ang dalawa ay ginawang “person of interest” nang makita ang kaniyang pangalan at litrato sa ‘deed of sale’ ng isang sasakyan na nalaglag buhat sa Kia Carnival van na ginamit sa pagdukot.

Nakumpirma rin nila na wala sa binanggit niyang lugar nang maganap ang pagdukot dakong alas-9:00 ng Lunes ng gabi sa kanto ng Paseo de Roxas at Nieva Street. 

Napag-alaman din ng pulisya na isang mabuting empleyado ng pinapasukang POGO si Zhou at wala ring kinasasangkutan na gusot sa pera buhat sa impormasyon na nakalap sa kaniyang employers kaya’t sinaisantabi na ang anggulo na may kaugnayan sa kaniyang trabaho ang pagdukot.

vuukle comment

ZHOU MEI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with