^

Police Metro

2 tiklo sa P6.8 milyong shabu sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 tiklo sa P6.8 milyong shabu sa Maynila
Sa ulat, alas-2:00 ng hapon nang salakayin ng PDEA-CALABARZON ang isang bahay sa Roberto Oca Sr. St., Port Area, Maynila na umano ay bagsakan ng illegal drugs ng dalawang naares­tong suspek.
STAR/File

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na umano’y drug pusher ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Port Area, Maynila, kahapon ng hapon na kung saan ay nasamsam ang nasa isang kilo ng shabu.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Hairodin Kasim at Norhan Palaguan, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat, alas-2:00 ng hapon nang salakayin ng PDEA-CALABARZON ang isang bahay sa Roberto Oca Sr. St., Port Area, Maynila na umano ay bagsakan ng illegal drugs ng dalawang naares­tong suspek.

Ayon sa PDEA, high grade ang nasabing shabu na aabot ang halaga sa P6.8 milyon na nakasilid pa sa tea bags.

Nabatid na dalawang linggong isinailalim sa surveillance ang aktibidad ng mga suspek at nang magpositibo ay isinagawa ang buy-bust operation.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with