3 nakamotor dedo sa SUV
Joy Cantos (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong ka­tao matapos na araruhin ng isang SUV ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national highway KM 39, Brgy. Napacao, Sia­ton, Negros Oriental, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Gregorio­ Encabo Jr., 53, ng Baya­wan City, driver ng Honda XRM motorcycle at back­rider nitong si Nenito Rebotazo, 61, ng Sta. Cata­lina at Jayson Gaitera Ajer, 22, ng Siaton na driver naman ng Yamaha Mio motorcycle.

Sa ulat, bago nangyari ang sakuna sa nasabing lugar, alas-8:30 ng gabi ay kasalukuyang buma­bagtas sa nasabing lugar ang dalawang motorsiklo na patu­ngo sa katimugang bahagi ng salpukin ng kasalubong na SUV vehicle na pag-aari ng munisipyo ng bayan ng Siaton na minama­neho ni Anthony Egera, 45, ng Brgy. Inalad ng Siaton ng lalawigang ito na nagtangkang mag-overtake.

Boluntaryo namang su­muko sa pulisya si Egera na nagtamo lamang ng bahag­yang gasgas sa insidente upang panagutan ang insidente.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with