Kagawad na baon sa utang, itinumba
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 47-anyos na bara­ngay kagawad nang ito ay barilin sa ulo ng isang hindi pa kilalang lalaki habang nangungutang sa tindahan sa Purok Ramos, Brgy. San Luis, Gingoog City, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Alexander Militante Mandamento, residente ng barangay.

Sa ulat, alas-12:00 ng tanghali ay nangungutang ang biktima sa tindahan ng kanilang barangay treasurer na si Reynaldo Ariola nang lapitan ng isang lalaki na nakamaskara at walang kaabog-abog na binaril sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Hinala ng pulisya na posibleng pagkabaon sa utang na hindi nababayaran ng biktima ang motibo ng pagpatay sa kanya.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with