Mister na magpapa-check up, tepok sa salpok
Cristina Timbang (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 57-anyos na lalaki na papuntang ospital para magpa-check up ang nasawi matapos na sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa isang kotse kahapon ng umaga sa Palico diversion road, Brgy. Palico 4, Imus City,Cavite.

Kinilala ang nasa­wing si Joel Dado, may-asawa, residente ng Blk. 5, Lot. 15A, Mandel St. Parkdale 1 Brgy. Mambog 5, Bacoor City, Cavite.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng Hyundai na si Joseph De Guzman, 40, may-asawa, residente ng Happy Homes, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City Cavite.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente, alas-9:00 ng umaga ay sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Pajero wagon (TNE 974) na bumabag­tas sa Palico diversion road Brgy. Palico 4 at para magtungo sa MCI Hosptal upang magpa-check up ng sakit nito sa puso.

Habang bumabagtas ay bigla itong sinumpong ng paninikip ng dibdib dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela at nasalpok ng papara­ting na  Hyundai Accent Sedan (TIX 696) na minamaneho ni De Guzman at naipit ang biktima.

Nang maialis sa pagkakaipit ay itinakbo sa  MCI Hospital subalit idieklarang dead on arrival.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with