Ipinapakita ng isang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent ang 5 kilo ng shabu sa tatlong suspek na naaresto sa isang entrapment operation kahapon ng umaga sa Bongao, Tawi-Tawi.
PDEA-9
3 drug pusher timbog sa P34 milyong shabu
Joy Cantos (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasakote nang pinagsanib na elemento ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Phi­lippine Drug Enforcement Agency ang tatlong pinaghihinalaang drug traffickers at nasamsam sa mga ito ang nasa P34-M halaga ng shabu sa operasyon sa lalawigan ng Taw-Tawi kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin at Adzfar Asalin ng Brgy.Poblacion, Bo­ngao, Tawi-Tawi.

Sa ulat, bandang alas -8:30 ng umaga ay nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9, PDEA-Tawi-Tawi, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Zamboanga, Tawi-Tawi Provincial Police Office at Bongao Police laban sa mga drug traffickers at nakumpiska ang nasa mahigit kumulang na 5 kilo ng shabu na may estimated market value na P34 milyon.

DRUG TRAFFICKING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with