No x-mas ceasefire vs CPP-NPA
Joy Cantos (Pang-masa) - December 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit nalalapit na ang Kapaskuhan ay hindi irerekomenda ni Defense Se­cretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang ceasefire sa hanay ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (NPA).

Ito’y sa gitna na rin ng nais ni Pangulong Duterte na buksang muli ang peace talks sa hanay ng komunistang grupo.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Lorenzana kung bakit hindi sila magrerekomenda ng tigil putukan.

Sa panig naman ni AFP Spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo na bagama’t iginagalang nila ang pasya ng Pangulo bilang Commander-in-Chief, tuloy pa rin ang kanilang opensiba laban sa mga rebelde.

Binigyang diin ni Arevalo, hindi sila tutol sa peacetalks pero dapat maging sinsero ang komunistang grupo.

Una nang ibinunyag ng AFP, na sa tuwing magkaroon ng peacetalks ito ang pagkakataon na pinapalakas ng rebeldeng grupo ang kanilang puwersa.

Anya, ginagamit lamang umano ng mga rebelde ang isyu ng peace talks para makapag-recruit sa hanay ng mga kabataan.

Kahit umano nagde-deklara ng ceasefire ang CPP ay hindi naman ito sinusunod ng NPA re­bels, ang kanilang armadong puwersa sa mga field units na pinatitindi pa ang ambushcades, pag-atake sa mga himpilan ng pulisya at mga detachment ng militar, extortion at panununog ng mga establisyemento, heavy equipments at iba pa.

ELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with