^

Police Metro

Pinas nakapagtala ng ‘winningest’ record sa 30th SEAG

Gemma Garcia - Pang-masa
Pinas nakapagtala ng �winningest� record sa 30th SEAG
Dahil kahapon ng umaga sa ika-9 araw ng labanan ay nakasungkit na ang mga atletang Pinoy ng kabuuang 113 gintong medalya na pumantay sa ‘winningest record’ ng bansa sa kasaysayan ng SEAG na kung saan naitala din ang 113 gold medals ng mga atletang Pinoy sa 2005 SEAG na idinaos din sa Pilipinas.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pormalidad na lamang ang hinihintay bago opisyal na tanghaling overall champion ang Pilipinas sa 30th Souhteast Asian Games.

Dahil kahapon ng umaga sa ika-9 araw ng labanan ay nakasungkit na ang mga atletang Pinoy ng kabuuang 113 gintong medalya na pumantay sa ‘winningest record’ ng bansa sa kasaysayan ng SEAG na kung saan naitala din ang 113 gold medals ng mga atletang Pinoy sa 2005 SEAG na idinaos din sa Pilipinas.

Natupad ang pangarap ng sambayanang Pilipino na makuha ang nasabing pangunguna ng Pilipinas sa SEA Games dahil sa determinasyon ng mga atletang Pinoy at pagsisikap ng Duterte administration, Philippine South East Asian Games Organizing Committee o PHISGOC sa pangu­nguna ni House Speaker Alan Cayetano at iba pang sports officials.

Pangalawa sa medal tally sa day 9 ang Indonesia, pangatlo ang Vietnam at nasa pang-apat na puwesto naman ang Thailand. Nakakuha na rin ng bronze medal ang Timor Leste sa larangan ng boxing.

Inaasahan pa ang pagsungkit ng mga atletang Pinoy ng karagdagang medalyang ginto dahil marami pang sports ang susuungin ng mga manlalaro kagaya sa boxing, e-sports at iba pang events.

Bukod dito ay tinapos din ng PH men’s volleyball team ang paghahari ng Thailand sa SEAG volleyball event na sunud-sunod na pinanalunan ng Thailand sa loob ng limang taon.

Hindi rin nagpahuli ang tinaguriang SEAG hero na si surfer Roger Casugay dahil naiuwi nito ang gintong medalya sa longboard event at tinalo niya ang Indonesian champion surfer na iniligtas niya sa una nilang paglalaban sa Monaliza Point sa La Union.

Nabatid na ang 30th SEA Games ay hindi sana gaganapin sa Pilipinas kung hindi dahil sa pagsisikap ni Cayetano at Senador Bong Go na kumbinsihin si Duterte upang ganapin sa bansa ang palaro.

vuukle comment

SOUHTEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with