^

Police Metro

Bawal na ang pag-import ng vape

Gemma Garcia - Pang-masa
Bawal na ang pag-import ng vape
Nilinaw ni Salceda ang health risk at kawalan ng permit para ma-regulate ang vape dahilan ng ban dito.

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Bureau of Customs (BOC) ang de facto ban sa import ng mga makina, equipment at pods na ginagamit sa paggawa ng vape.

Ito ang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda dahil sumulat at isinulong ng Food and Drug Admi­nistration (FDA), National Tobacco Administration (NTA) at Department of Trade and Industry-Pro­duct Standards (DTI-PS)  ang import ban ng vape.

Nilinaw ni Salceda ang health risk at kawalan ng permit para ma-regulate ang vape dahilan ng ban dito.

Natuklasan din ng FDA na may 100 vape cartridges silang nasuri na nilagyan ng liquefied marijuana na malayang nagagamit ng mga vape users.

Wala rin umanong permit mula sa NTA at DTI-PS para ma-regulate at mabuwisan ng tama ang mga vape.

Ayon pa sa kongresista, na may pag-aaral pa sa Estados Unidos na 87% ng mga injuries ay galing sa ilegal na paggamit ng vape at ito ang nais iwasan ng gobyerno na mangyari sa bansa.

Plano namang itaas sa P45 per ml ang buwis sa vape sa pagsalang sa bicameral conference committee at inaasahang kikita rito ang gobyerno ng P2.8 bilyon kada taon.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with