Ayon kay Encinas, dakong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang eng­kwentro sa Sitio Tambang, Barangay Kabbon Takas, Patikul Sulu.
Joven Cagande
Sulu encounter: 4 Abu, 1 sundalo patay
Gemma Garcia (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (WestMinCom) Spokesman Major Arvin Encinas na apat na mi­yembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo ang napatay habang siyam ang sugatan sa naganap na engkwentro kamakalawa sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Encinas, dakong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang eng­kwentro sa Sitio Tambang, Barangay Kabbon Takas, Patikul Sulu.

Sa imbestigasyon, nagsasagawa ng joint military operation ang Join Task Force Sulu, 32nd Infantry Battalion at 12th Reconnaissaince Company sa nasabing lugar nang makasagupa ang nasa 40 ASG sa ilalim ni sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Ang nasabing eng­kwentro ay tumagal ng 30 minuto at nagresulta sa pagkamatay ng apat na bandido, isang sundalo at pagkakasugat ng siyam na iba pang sundalo.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang bangkay na hinihinalang isa sa apat na napatay na bandido, isang M16 riffle at mga personal na gamit ng mga tumakas na terorista.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with