BJMP opisyal dedo sa sunog
Mer Layson (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang makulong sa nasunog niyang bahay sa Antipolo City,Rizal, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Jail Supt. Greg Sibug, 47,nakatalaga sa National Headquarters, at residente ng Block 65,Lot 8, Robinsons Homes East, Barangay San Jose, Antipolo City.

Sa imbestigasyon,na ang sunog ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon sa tahanan ng biktima na mga sandaling iyon ay mahimbing na natutulog kaya’t hindi na ito nakalabas.

Rumesponde ang mga kagawad pamatay-sunog para iligtas ang nakulong na biktima, at dito ay nadiskubreng na-trapped sa loob kaya’t inilabas at agad isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with