Sa rekord ng Ombudsman may paglabag umano sa procurement procedure ng ibigay ang kontrata sa Integrated Energy Systems and Resources Inc.
File
Mayor sinuspinde ng Sandigan
Gemma Garcia (Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng 90-araw ng Sandiganbayan Sixth division si Guiuan, Eastern Samar Mayor Annaliza Gonzales-Kwan dahil sa kasong graft na kinakaharap nito.

Sinampahan ng kaso noong 2017 si Kwan kabilang sina  municipal engineer Arsenio Salamida, budget officer Esperanza Cotin, municipal planning and development officer Ma. Nenita Ecleo, administrative officer Felipe Padual, at market supervisor Danilo Colandog kaugnay ng pagbili ng fire truck na nagkakahalaga ng P1.985 milyon ng hindi umano dumaan sa public bidding noong 2007.

Sa rekord ng Ombudsman may paglabag umano sa procurement procedure ng ibigay ang kontrata sa Integrated Energy Systems and Resources Inc.

Sa depensa naman ni Kwan, sinabi niya na  wala siya sa puwesto nang isampa ng Ombudsman ang kaso noong 2017 at nahalal lamang noong Mayo.

Subalit, ayon sa korte dalawa lang ang kondisyon para masuspendi ang isang opisyal na nahaharap sa kasong graft dapat ay nakaupo at dapat ang kaso ay graft.

ANNALIZA GONZALES-KWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with