LGBTQ Summit sa Palayan City, inilunsad
(Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinikilala at pinahalagahan ng local na pamahalaan ng Palayan City, Nueva Ecija ang mga kontribusyon ng LGBTQ kaya’t inilunsad ang kauna-unahang summit para sa kanila.

Sinabi ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas, malaki ang naging ambag ng LGBTQ sa pag-unlad ng lungsod kaya nila ito kinilala sa pagdaraos ng 1st Palayan Rainbow.

Daan-daang miyembro ng LGBTQ sa lugar ang dumalo sa pagtitipon para ipahayag ang kanilang mga opinyon, saloobin at ipinamalas na rin ang kanilang mga talento sa larangan ng beauty contest.

Sinabi ni Mayor Cuevas, mahalaga ang mga kontibusyon ng LGBTQ sa kanilang komunidad na nagpamalas ng ganda, art, fashion, matagum­pay na pagnenegosyo at iba pa.

Tinukoy din ni Mayor Cuevas na maraming LGBTQ ang naging matagumpay na entrepreneurs, doctors, lawyers, miyembro ng academe at iba pang talento na kanilang taglay.

Nangako si Mayor Cuevas na masusundan pa ang naturang summit bilang pagkilala sa mga kakayahan at kontribusyon ng grupo sa Palayan City.

LGBTQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with