Yorme Isko
Isko, ang yorme na ‘Pang-Masa’
Ludy Bermudo (Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — PANG-MASA na serbisyo publiko ang tunay na nararamdaman ng mga Manilenyo ngayon dahil ito ang prayoridad ng alkalde ng Maynila na si Francisco “Isko” Moreno Domagoso patunay dito ang markadong pagbabago sa mukha ng lungsod.

Taong 1974 isinilang si Yorme, panahon ng mga ‘jeproks’ na kabataan kung saan nauso ang salitang pabalbal o salitang kalye, na binuhay at muling naging makulay sa taong ito (2019). Kasabay ng pagiging popular sa mga achievement ni ‘Yorme Isko’ hindi lamang sa Maynila, kundi sa iba’t-ibang sulok ng mundo hanggang sa cyberworld kung saan milyong ‘followers’ at ‘netizens’ ang kabisado na kung sino si ‘yorme’ sa kadikit niyang mga pabaligtad na gaya , tulad  ng ‘etneb’, ‘dehins’, ‘kodli’, ‘wakali’, ‘gedli’, ‘posam’, ‘sokpa’, ‘oblo’ at iba pa.

Aniya, ang pagiging Batang Tondo na nakaranas ng mahirap na buhay sa kaniyang kabataan ay naging daan ngayon para mas mabilis ang proseso ng kaniyang mga plano para sa pagbabago sa buhay ng mga Manilenyo at pagpapaunlad ng lungsod.

Sa unang araw na pag-upo bilang halal na alkalde, agad na pinuntirya ni Yorme ang illegal vendors na nakahambalang sa mga kalye at bangketa sa pagsasabi ng “Manigas kayo!” patungkol sa mga organizer ng mga vendor na kumikita ng malaki mula sa mga pumupwestong manininda sa mga bawal na lugar.

Naging maaliwalas at malinis ang dating hindi madaanang kalye ng Carriedo sa Quiapo; CM Recto, Ylaya, Soler, Juan Luna, sa Tondo at Binondo; Blumentritt sa Sta. Cruz at sa iba pang lugar sa dahilang dapat pakinabangan ng pangkalahatang taga-lungsod ng Maynila at hindi mga organizers at vendors na mga dayo lamang.

Pinatalsik din ang ‘flying voters’ na squatters sa mga puntod sa loob ng Manila North Cemetery, na hindi naman umano nakarehistro sa lungsod kundi ginagamit ng ilang punong barangay at pulitiko para isuplay na botante para maipanalo ang mga ‘manok’ sa halalan.

No-vendor policy at 100 percent cleared din ang idineklarang Mabuhay Lanes ng MMDA sa lungsod. Ang kalsada sa Divisoria na inokopa na mga vendors, ayun nalinis.

Ibinalik din ni Moreno ang dating ganda ng Jones Bridge sa Binondo, Maynila na ipinangalan noong 1919 sa US legislator na si William Atkinson Jones (ang tuma­yong chairman ng US Insular Affairs House Committee at principal author ng Philippine Autonomy Act of 1916 o ‘Jones Law’).

Tagumpay din ang alkalde sa pakiusap niya sa food chains owners nang tumanggap sila ng mga empleyadong senior citizens at PWDs at ang pag-empleyo sa 70 por­syentong lehitimong taga-Maynila sa oras na magbukas ang mga panibangong sangay.

Tinuldukan din ng alkalde ang ginagawang ‘cutting trip’ ng mga driver ng mga pampasaherong dyip na nagpapahirap sa commuters lalo na sa matatanda na nahihirapang maglakad.

Ang Maynila rin ngayon ang may pinakamalaking free dialysis center sa bansa. Binuhay din ni Moreno ang KADIWA (Kasama sa Diwa) retail stores na nagbebenta ng mga sariwa at murang agricultural products, na dating nakilala noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ibinalik din ang libreng nutribun at gatas sa mga estud­yante ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Yan ang bagong mukha ng Maynila, kaya binansagan si Mayor Isko, na ‘Yorme na Pang-Masa (PM).

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with