Trader na lolo dedo sa tandem
MANILA, Philippines — Todas ang isang negosyanteng lolo matapos barilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang kausap sa Brgy. Centro 2, Tuao, Cagayan noong Huwebes.
Sa report, kaharap ng biktimang si Virgilio Durian Jr. 61-anyos ang tenant ng pinapaupahang stall na si Romualdo Perez nang hintuan siya ng mga berdugong nakasuot ng helmet at barilin dakong alas-11:00 ng umaga.
Isinugod ng mga nagrespondeng pulis ang matanda sa Tuao District Hospital kung saan ito idineklarang patay.
Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.
- Latest