Misis patay, anak kritikal sa saksak ni mister
Cristina Timbang (Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang habang nasa malubha namang kalagayan ang 21-anyos na dalagang anak matapos silang ataduhin ng saksak ng live-in partner ng una makaraang magtalo sa loob ng kanilang ta­hanan sa Brgy. Maguyam, Silang, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si Rhodora Ramirez, 52; habang patuloy na inoobserbahan ang kalagayan ng dalagang anak nito na si Daniella Nicole Ramirez.

Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek na si Edwin Malate, 49, businessman, at residente ng Reyes Compound, Brgy. Maguyam, Silang, Cavite.

Sa ulat ng Silang Police, alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente. Ayon sa mga kapitbahay ng mga ito, narinig umano nila na nagtatalo ang mag-asawa.

Ilang minuto ‘di umano tumagal ang pagtatalo ng mga ito hanggang sa magdilim ang paningin ng suspek na agad kumuha  ng patalim at dito sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima.

Sa pangyayaring ito, nasaksihan ng dalagang anak ng biktima kung kaya tinulungan nito ang ina subalit pinagbalingan din ito ng suspek at inundayan ng saksak.

Sumaklolo naman ang mga kapitbahay na agad nadala sa ospital ang mga biktima subalit nasawi si Rhodora habang ginagamot.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with