NCRPO full alert sa NPA anniversary
Joy Cantos (Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naka-full alert status ang 19,000 puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-51 taong anibersaryo ng pagkakatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating na Disyembre 26 ng taong ito.

Ayon kay NCRPO Acting Director Police Brig. Gen. Debold Sinas, paiigtingin ng kapulisan ang internal security at intelligence operations sa Metro Manila laban sa makakaliwang grupo upang tiyakin na magiging matiwasay at mapayapa ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Samantalang inatasan na rin nito ang kapulisan na ipagpatuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga pa­ngunahing instalasyon at economic key points gayundin sa mga matataong lugar upang hindi makapagsagawa ng anumang planong paghahasik ng terorismo ng komunistang grupo.

Kaugnay nito, inihayag ni Sinas na paiigtingin din ng QCPD ang security measures sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno na nasa Metro Manila na target ng kill plot ng New People’s Army (NPA), ang armed wing ng CPP.

Sinabi rin ni Sinas na makatitiyak ang publiko sa kanilang seguridad ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“Ang gagawin namin is paigtingin ‘yung mga checkpoints at random checkpoints natin para sa mahuhuling magdadala ng illegal possession of firearms,” anang opisyal.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with