Ito ay makaraang sumalang sa pagdinig na isinagawa ng LTO Intelligence and Investigation Division ang doktor na si Tomas Mendez hinggil sa reklamo ng driver na si Santiago Paredes laban dito.
File
Lisensiya ng doktor na nag-viral sa panghahamak ng kapwa motorista, kakanselahin
Angie dela Cruz (Pang-masa) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kanselasyon ng lisensiya ang posibleng ka­hantungan ng aroganteng doktor na nag-viral sa social media nang pagalitan, pagmumurahin, at hamakin nito ang isang driver habang sila ay nagkadikit sa lansangan sa Makati City, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Ito ay makaraang sumalang sa pagdinig na isinagawa ng LTO Intelligence and Investigation Division ang doktor na si Tomas Mendez hinggil sa reklamo ng driver na si Santiago Paredes laban dito.

Ayon kay Jay-R Oabel, hearing officer ng LTO, naging cooperative naman si Mendez makaraang ipatawag ng tanggapan at nasagot naman ang mga tanong sa kanya kaugnay sa naganap na insidente.

Anya, isusumite na lamang nila kay LTO Chief Edgar Galvante ang rekomendasyon hinggil sa magiging resulta ng kanilang imbestigasyon sa insidente at bahala na ang LTO Chief sa gaga­wing parusa sa doktor.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Paredes na hangad niyang mabig­yan ng parusa ang doktor kaugnay ng ginawang paglait nito sa kanya.

Sinabi ni Paredes na hindi niya matanto kung bakit nilait-lait siya ng doktor at sinabihang ma­duming-madumi at hindi naliligo nang hindi lumipat ng ibang lane na request sa kanya ng doktor.

Sinabi  naman ni Oabel na titingnan nilang mabuti at pag-aaralan ang pahayag ng magkabilang panig kaugnay sa naganap na insidente.

 Una nang nag-viral sa social media ang paninigaw at panlalait ni Mendez kay Paredes nang hindi pagbigyan ng huli na lumipat ng lane sa ka­l­sada sa Makati.

Una nang nagsampa ng kaso si Paredes laban sa doktor sa Makati Police Station at hiwalay na kaso pa sa Professional Regulation Commission para tanggalan ng lisensiya sa pagka-doctor si Mendez dahil sa inasal sa kanya.  

DRIVER LICENSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with